P774M na jackpot prize ng Ultra Lotto, hindi pa rin napapanalunan

Wala pa ring maswerteng nakakuha ng jackpot prize sa 6/58 Ultra Lotto sa draw, Biyernes ng gabi.

Ayon sa PCSO, walang nakakuha ng winning combination na 46, 25, 55, 26, 50 at 57.

Umabot sa mahigit P774 milyon ang premyo kagabi.

Ito na ang pinakamalaking jackpot prize sa kasaysayan ng lotto sa bansa.

Asahan na naman ang mahabang pila sa mga lotto outlets sa susunod na draw sa Linggo.

Read more...