Napanatili ng Tropical Depression Queenie ang lakas nito habang papalapit ng bansa.
Ayon sa PAGASA, inaasahang papasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Martes ng umaga.
Bago magtanghali ng Sabado ay huli itong namataan 1,990 kilometers East ng Visayas at tinatahak ang direksyong West Northwest sa bilis na 45 kilometers per hour.
Taglay ng Tropical Depression Queenie ang hangin na 60 kilometers per hour at bugsong 75 kilometers per hour.
Samantala, ang Bagyong Paeng na may international name na “Trami” ay nakalabas na ng bansa, Sabado ng umaga.
READ NEXT
Pagpapaliban ng Makati RTC sa paglabas ng arrest warrant vs Trillanes, nirerespeto ng Palasyo
MOST READ
LATEST STORIES