Naidepensa ni Jerwin Ancajas ang kaniyang titulo bilang IBF world super flyweight champion laban kay Alejandro Santiago Barrios via split draw.
Naganap ang laban nina Ancajas at Barrios sa Oracle Arena sa Oakland, USA Sabado ng umaga.
Parehong umarangkada ang dalawang boksingero simula ng round two ng laban.
Hindi man naging maayos ang timing at accuracy ni Ancajas sa first half ng laban, napanatili pa rin nitong makapasok ng mga suntok kay Barrios.
Dahil dito, Si Ancajas ay mayroon ng record na 30-1-2 habang si Barrios naman ay 16-2-5.
MOST READ
LATEST STORIES