Universidad de Manila, binulabog ng bomb threat

Photo credit: Official: Universidad de Manila Facebook page

Binulabog ang Universidad de Manila ng bomb threat sa bahagi ng Ermita, Sabado ng hapon.

Batay sa ulat, dumating ang police bomb disposal unit sa unibersidad para magsagawa ng inspeksyon.

Ayon sa pulisya, mayroon ng nakatanggap ng bomb threat sa pamamagitan ng isang text message bandang 11:45 ng umaga.

Inabisuhan ang mga estudyante na lumikas sa unibersidad para pagsisiyasat ng bomb squad sa lugar.

Sinabi naman ng Universidad de Manila Vice Chancellor na si Ronald Herrera na walang natagpuang pampasabog sa paaralan.

Inaasahan aniyang magbabalik muli ang klase ngunit ipatutupad ang mahigpit na seguridad sa lugar.

Read more...