MRT-3, LRT-2 magkakaroon ng libreng sakay para sa matatanda

Credit: DOTr-MRT3 Twitter

Magkakaroon ng libreng-sakay ang Metro Rail Transit-3 at Light Rail Transit-2 para sa lahat ng senior citizen.

Ito ay kasunod ng selebrasyon ng Elderly Filipino week mula October 1 hanggang 7, 2018.

Sa MRT-3, libre ang sakay ng mga senior citizen mula 5:30 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi.

Sa LRT-2 naman, libre ang mga senior citizen mula 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 hanggang 7:00 ng gabi.

Sa abiso ng MRT-3, kailangan lang mag-prisinta ng isang valid ID na inisyu ng Office for Senior Citizen Affairs (OSCA) o ID na makapagpapatunay na mayroon nang edad 60 pataas.

Read more...