Lingig, Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Credit: Phivolcs

Tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa Surigao Del Sur, Sabado ng hapon.

Sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 36 kilometers Northeast ng Lingig.

Naramdaman ang lindol bandang 12:56 ng hapon.

May lalim itong 17 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang nasirang ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...