‘Justice for sale’, pinaiimbestigahan kay CJ Sereno

 

Nanawagan kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ang isang grupong nagsusulong ng mabuting pamamahala para imbestigahan ang isang babaeng hukom sa Court of Appeals (CA).

Ito ay dahil sa mga balitang ang nasabing hukom ay tumatanggap ng mga suhol upang maglabas ng desisyon na pabor sa nanunuhol sa kaniya.

Sa pahayag na inilabas ng Alliance for Good Governance o (AGG), isang mapagkakatiwalaang source ang nagsabi sa kanila na ginagamit ng hukom ang kaniyang pamangkin bilang daan sa pagtanggap ng suhol, at milyun-milyong piso umano ang mga natatanggap nito.

Ayon kay AGG spokesperson Alberto Vicente, isa itong malinaw na kaso ng “justice for sale”, at pormal nilang ipinaparating ito sa Korte Suprema dahil nagkakaroon na ng kurapsyon sa hukuman.

Ani Vicente, dapat ay makahanap si CJ Sereno ng dahilan para imbestigahan at solusyunan ang nasabing uri ng kurapsyon na namamayagpag sa mga judiciary.

Hindi naman pinangalanan ni Vicente kung sino ang pinatutungkulan nila, at sinabing ihahayag ito ng kanilang grupo sa pamamagitan ng isang pormal na liham kay Sereno.

Bukod kay Sereno, nanawagan rin sila kay CA Presiding Justice Andres Reyes Jr. para imbestigahan din ang nagaganap sa kanilang hanay.

Read more...