Walang balak na magbitiw sa kanyang puwesto si Manila International Airport Authority General Manager Jose Angel Honrado.
Ito’y sa kabila ng mga panawagan ng ilang mambabatas at ng publiko na magresign na ito sa tungkulin dahil sa kabiguang maresolba ang anomalya sa paliparan.
Bagama’t nirerespeto niya ang opinyon ng mga mambabatas, ipinaliwanag ni Honrado na wala sa direktang kontrol ng MIAA ang isyu ng tanim bala.
Bukod dito, si Pangulong Aquino aniya ang nag-appoint sa kanya sa puwesto kaya’t tanging ang Pangulo lamang ang makapag-uutos sa kanyang magresign.
Hindi rin aniya siya ang tipo ng tao na umaatras sa laban.
Paliwanag pa nito, ang Office of TransportationSecurity aniya ang dapat na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga insidente dahil ang kanilang mga tauhan ang direktang idinadawawit sa isyu.
Una rito, ilang mga senador at kongresista ang nanawagan kay Honrado na magresign dahil sa kabiguang maresolba ang isyu ng tanim bala sa mga paliparan.