Kris Aquino, patungong Singapore para sa medical treatment

Photo grab from Kris Aquino’s Instagram account

Nakatakdang magtungo si Queen of All Media Kris Aquino sa Singapore para sumailalim sa isang medical treatment.

Sa inilabas na pahayag sa Instagram, sinabi na inabisuhan si Kris ng kaniyang mga doktor na sumailalim sa ilang tests na hindi pa isinasagawa sa Pilipinas.

Dagdag pa nito, kailangang magpakonsulta ng 47-year-old actress sa eksperto para mabigay ang lahat ng kailangang gamot nito.

Transparent o bukas naman aniya si Kris sa publiko kaugnay sa kondisyon ng kaniyang kalusugan.

Sa caption ng kaniyang post, nagpasalamat naman si Kris sa mga taong nagdarasal para sa kaniya.

Hindi na aniya siya magbibigay ng karagdagang detalye kaugnay sa kanilang kalusugan para protektahan ang kaniyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

Read more...