2 Koryano, arestado matapos mahuling nagbebenta ng droga sa Pampanga

Arestado ang dalawang Korean national matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng shabu sa loob ng isang motel sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon director Gil Pabilona, nakilala ang mga suspek na sina Hong Daon, 45-anyos, at Song Won Seok, 40-anyos.

Nahulihan ang dalawang Koryano ng limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000 makaraang bumili ang isang PDEA undercover agent, Biyernes ng gabi.

Ani Pabilona, nagtatrabaho si Hong bilang isang English translator at mayroong deportation order noong 2016.

Palipat-lipat aniya ng hotel ang mga suspek para isagawa ang kanilang ilegal na transaksyon.

Sa ngayon, nakadetine ang dalawa Koryano sa PDEA regional jail sa lalawigan ng San Fernando.

Read more...