50 million Facebook accounts na-hack

AP

Kinumpirma ng pamunuan ng Facebook na na-hack ang aabot sa 50 million user accounts nila.

Ayon sa kumpanya, nakuha ng hacker ang mga digital login codes habang nasa 40 million Facebook account ang na-reset.

Gayunman, tiniyak ng FB na na-ayos na nila ang problema at naiparating na rin nila ito sa Federal Bureau of Investigation maging sa Department of Homeland Security at Data Protection Commission ng Ireland.

Hindi naman maipaliwanag ng Facebook kung paano napasok ang milyong-milyong account at tinawag lamang nila na “complex” ang pangyayari.

Kaugnay ng pangyayari, mistulang kinuyog ng mga FB user ang FB page ni Mark Zuckerberg para iparating ang kanilang reklamo.

Sa isang press conference, sinabi ni Zuckerberg na isang “serious security issue” ang nangyari.

Samantala, pinalakas ng mga mambabatas sa US ang kanilang panawagan para magkaroon ng data privacy legislation.

Read more...