Mga kumpanya ng langis may panibagong bigtime price increase

Inquirer file photo

Sa ikaapat na linggo sa pagpasok ng ‘Ber months,’ muling madadagdagan ang presyo ng mga produktong-petrolyo.

Ang ipapatupad na oil price hike sa susunod na linggo ang ika-walong sunod na.

Base sa trading ng langis mula noong Lunes hanggang Huwebes, tinataya na P0.77 hanggang P0.91 ang itataas ng kada litro ng gasolina.

Samantala, ang pagtaas sa presyo ng bawat litro ng krudo o diesel ay tinatayang P1.34 samantalang P1.09 naman ang maaring idagdag sa bawat litro ng kerosene o gaas.

Sa Martes ng umaaga inaasahang ipatutupad ang panibagong oil price hike.

Read more...