Inflation rate ng bansa para sa buwan ng Setyembre inaasahang papalo sa 6.8 percent – BSP

Posibleng pumalo sa 6.8 percent ang inflation rate ng bansa para sa buwan ng Setyembre ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon sa Department of Economic Research ng central bank, ang projected range nila ay 6.3 hanggang 7.1 percent ngunit posible anyang lumapag ang inflation sa 6.8 percent.

Mas mataas pa ito sa 6.4 percent na naitala noong Agosto na siya namang pinakamabilis sa loob ng siyam na taon.

Itinuturong dahilan ng BSP ay ang mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, mahal na presyo ng bigas at iba pang produktong agrikultural dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong at maging ang paghina ng piso.

Gayunman, ang upward pressures na ito ay posibleng mapahupa ng bawas-singil ng Meralco nitong buwan.

Tiniyak ng BSP na babantayan nito ang papataas na kondisyon ng inflation upang masiguro na ang monetary policy ay nananatiling naka-angkla sa price stability mandate ng ahensya.

Read more...