Sen. Pangilinan, hinimok ang COMELEC na palawigin ang voter registration

Caloocan District 2 Comelec Main Office | Rhommel Balasbas

Nanawagan si Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa Commission on Elections (Comelec) na palawigin pa ang voter registration ng isa pang linggo.

Ito ay ginawa ng senador Biyernes ng gabi bago ang nakatakdang pagtatapos ng registration period ngayong araw ng Sabado, September 29.

Ayon kay Pangilinan, dapat pang pahabain ng isang linggo ang pagpaparehistro upang mabigyang pagkakataon ang mga Filipino na makapili ng kanilang ihahalal sa pwesto.

Isa anya itong humanitarian act lalo pa’t maraming komunidad ang nakaranas ng pananalasa ng mga bagyo at kalamidad.

Nanawagan din ang senador na Comelec na palakasin nito ang information drive para mahikayat ang mas maraming Filipino na magparehistro.

Nagsimula ang voter registration period noong July 2.

Read more...