Ito ay upang malaman kung ano ang maitutulong ng kanyang tanggapan sa mga apektadong pamilya at personal na makapagpasalamat sa mga rescuers sa kanilang search and retrieval operations.
Ayon sa bise presidente, marami sa mga naapektuhan ay pinoproblema ang kanilang kabuhayan at mga tirahan.
Mayroon anyang pondo ang Office of the Vice President para sa livelihood assistance at nais niya anyang magamit ito ng mga tunay na nangangailangan.
Tinitingnan umano ni Robredo ang permanent relocation ng mga naapektuhan ng landslide dahil hindi makakapagplano ang mga ito para sa kanilang hanapbuhay ng walang relocation.
Pinayuhan naman ng pangalawang pangulo ang ilan na umuwi sa kanilang mga probinsya.
Ito ay dahil hindi na anya safe sa kanilang kinalalagyan.
Sinabi ni Itogon Mayor Victorio Palangdan na malaking bilang ng mga residente sa bayan ay hindi talaga tubong Itogon.
Anya, marami ang pumunta sa Itogon upang magmina.
Matatandaang idineklara ng Mines and Geosciences Bureau ang 184 hectares ng lupa sa bayan na prone sa landslide.