WATCH: Bersyon ng Baby Shark nina James Corden, Josh Groban at Sophie Turner

Binigyan ng kakaibang bersyon nina James Corden, Josh Groban at Sophie Turner ang “Baby Shark”.

Sa “Late Late Show” ni Corden, game na inawit ng tatlo ang “Baby Shark” na tanyag lalo na sa mga bata.

Sa teaser, tinawag pa ni Corden na “iconic” ang Baby Shark na aniya ay umabot na sa 2 billion ang views sa Youtube.

Paulit-ulit na din umano niyang nadidinig ang naturang awitin dahil bilang siya ay may tatlong anak.

Panoorin ang bersyon ng Baby Shark nina Corden, Groban at Turner:

Read more...