Isinagawa ang pagwasak sa mga kontrabando sa accredited facility ng BOC na RMM Trading Waste Management sa Kawit, Cavite.
Ang mga sinirang produkto ay galing sa China at inabandona na ng consignee ng mga ito mula pa noong 2017.
Tumitimbang ng 5- tonelada at sakay ng 40-container vans ang mga produkto.
Ayon sa BOC, ang mga beauty products at spray bottle caps ay pawang misdeclared bilang houseware at ladies accesories.
Ang mga secondhand computer parts naman ay nakitaan ng paglabag sa environmental regulation.
Ayon kay Mia Leaño ng BOC-Port of Manila Auction and Cargo Disposal Division, inabot ng taon bago maisagawa ang pagwasak sa mga kontrabando dahil sa haba ng proseso para sa paperwork at permits.