Kai Sotto mananatili sa Ateneo

Tinuldukan na ng kampo ni Kai Zachary Sotto ang mga bali-balitang aalis na siya sa Ateneo Blue Eaglets.

Mismong ang ama ni Kai na si Earvin Sotto ang nagsabi na mananatili sa Ateneo Blue Eaglets ang 16-anyos niyang anak para sa UAAP juniors basketball.

Tinanggihan din aniya ng kaniyang pamilya ang mga alok para Kai sa ibang bansa para doon maglaro.

Ang 7’1 na si Kai ay malaki ang naiambag sa Blue Eaglets para sa UAAP junior title laban sa NU Bullpups.

Read more...