Panahon magsisimula nang lumamig sa susunod na buwan

Radyo Inquirer File Photo

Unti-unti nang mararamdaman ang malamig na panahon simula sa susunod na buwan.

Ayon sa PAGASA, sa pagpasok ng buwan ng Oktubre, hihina na ang Habagat at magkakaroon ng transition sa pagpasok ng Amihan.

Bago matapos ang Oktubre tuluyan nang mararamdaman ang Amihan ayon sa weather bureau.

Bagaman mayroon pa ring Habagat sa ngayon na nagdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas at southern part ng Mindanao ay unti-unti na itong hihina sa mga susunod na linggo.

Read more...