Abogado ng hinihinalang drug lord sa Western Visayas patay sa pananambang

Nasawi sa pananambang ang abogado ng tinaguriang drug lord sa Western Visayas na si Melvin Odicta.

Si Atty. Edeljulio Romero ay nasawi matapos pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang mga suspek Biyernes ng Hapon.

Ayon kay Chief Supt. John Bulalacao, Western Visayas police director, nagsasagawa na ngayon ng follow up operation ang mga otoridad laban sa mga suspek.

Kinumpirma din ni Bulalacao na si Romero ay nasa high-value target level 3 list ng mga drug personalites.

Si Romero ay nagsilbing abogado kay Odicta.

Noong August 29, 2016 si Odicta at kaniyang asawa ay tinambangan sa Caticlan Port sa Malay, Aklan.

Read more...