Sulawesi, Indonesia niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Sulawesi Island sa Indonesia.

Ayon sa U.S. Geological Survey, may lalim na 18 kilometers ang pagyanig at naitala ang epicenter nito sa 30 kilometers north ng Donggala.

Hindi naman nagdulot ng tsunami alert ang naturang lindol.

Ayon sa mga residente, ang lindol ay nagdulot ng pag-uga ng mga bahay at gusali.

May ilan ding tahanan ang nakitaan ng crack matapos ang lindol.

Read more...