Pag-amin ni Pangulong Duterte na EJK ang kaniyang tanging kasalanan, binatikos ng UN

Binatikos ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pag-amin nitong kasalanan niya ang Extrajudicial Killings.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Callamard na ang pahayag ni Duterte ay nangangahulugan na ang kasalanan nito ay magpahirap sa libo-libong pamilya, binigyang kapangyarihan ang tiwaling pulis at sinira ang rule of law.

Pinuna ng UN rapporteur ang sinabi ni Duterte na ang kasalanan lang niya ay ang EKJ.

Isa anya itong extraordinary statement mula sa lider ng isang bansa.

Ilang beses nang binatikos ni Callamard ang madugong war on drugs ng gobyerno ni Duterte kung saan mahigit 4,000 na ang namatay mula nang maupo ito sa pwesto.

Read more...