Dalawampu’t limang resorts ang mayroon ng permit para mag-operate simula sa soft reopening ng Boracay sa October 26.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, magbubukas ang kabuuang 1,000 kwarto sa unang araw ng operasyon ng isla matapos ang ilang buwang pagsasara.
Ang hotel na mayroong 40 rooms pataas na nasa beach front ay dapat na may sariling sewerage treatment plant habang ang istablisyimentong may 49 rooms pababa ay kailangang nakakonekta sa sewer line ng isla.
Bukod sa limitadong operasyon ng mga istablisyimento na may kumpletong permits mula sa lokal na pamahalaan, DENR at kaukulang ahensya ng gobyerno, ireregulate rin ang mga aktibidad sa waterfront ng boracay.
Bawal na rin sa beach front ang fire dance, fish feeding, coral picking, open fire, paggamit ng kerosene lamps, mga lamesa, upuan at ibang gamit gayundin ang malalaking beach umbrella, souvenir shops at electirical lights.
Mayroon na ring no-build, no-party at no smoling zones sa loob ng 25 plus 5 meters ng beachfront.
Maski ang pagtatanim ng mga puno ng niyog ay nangangailangan ng permit mula sa DENR.