Magsasagawa ang Comelec ng special registration para sa mga botante sa Marawi City mula October 1 hanggang 15.
Layon ng special voter registration na maisama ang mga kwalipikadong botante sa nakatakdang plebesito ng Bangsamoro Organic Law gayundin ang 2019 midterm elections.
Dapat ay personal ang filing ng application for registration at ang transfer at changes sa listahan ng mga botante sa office of the election officer mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon sa naturang petsa.
Samantala, ang mga botante na nakarehistro na sa 2016 elections at ang mga nagparehistro mula November 7, 2016 hanggang April 29, 2017 ay hindi na kailangang magpa-register uli ayon sa Comelec.
Unang itinakda ng poll body ang bol plebiscite sa January 21, 2019 kung saan inaasahang 2.7 million hanggang 3.1 million ang boboto.