Bagong petsa para sa UPCAT 2019, inanunsyo na ng UP

Inanunsyo na ng pamunuan ng University of the Philippines ang bagong schedule para sa UP College Admission Test o UPCAT 2019.

Sa official announcement ng UP System, ang UPCAT ay isasagawa na sa October 27 at 28, 2018 o araw ng Sabado at Linggo.

May exam na mag-uumpisa alas-sais y medya ng umaga, at mayroon ding alas-dose y medya ng tanghali, sa mga nabanggit na petsa.

Payo ng UP System sa mga aspiranteng Isko at Iska, huwag kalilimutan ang kani-kanilang test permits na inisyu ng UP Office of Admissions.

Nauna nang itinakda ang UPCAT noong September 15 at 16, 2018, subalit hindi ito natuloy dahil sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

Matatandaang naantala rin ang pagsusumite ng aplikasyon UPCAT para sa school year 2019-2020, bunsod ng suspensyon ng klase dahil sa pag-ulan at pagbaha noong Agosto.

Read more...