Uuwi na ng bahay si Senator Antonio Trillanes IV.
Ito ay matapos na hindi maglabas ng warrant of arrest laban sa kaniya ang Makati Regional Trial Court Branch 148 at sa halip ay nagtakda muna ng petsa para sa reception of evidence.
Sa pagharap sa media, sinabi ni Trillanes, na ipagdiriwang niya kasama ang pamilya at kaibigan ang pasya ng korte.
Itinuturing din ng senador na “victory” para sa kaniyang panig ang pagpapaliban ng mababang korte sa paglalabas ng resolusyon sa hirit ng DOJ na warrant of arrest at hold departure order.
Ayon kay Trillanes, lalasapin niya ang pansamantala niyang kalayaan.
Samantala sinabi ni Trillanes na sa ipinatawag na itinakdang reception of evidence ng korte sa Biyernes, Oct. 5 ay ang pamahalaan ang burden of proof.
Dapat umanong ang gobyerno ang magpatunay sa akusasyon na hindi siya nagsumite ng aplikasyon para sa amnestiya at hindi siya nagkaroon ng admission of guilt.