P1.2M na halaga ng shabu nasabat sa Negros Occidental

INQUIRER File Photo

Aabot sa P1.2 million na halaga ng ilegal na droga ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation sa Bacolod City, Negros Occidental.

Sinalakay ng mga tauhan ng Drug Enforcement at Intelligence Units ng Bacolod City POlice ang bahay ng mga suspek na sina Edwin Jiminea at Cheryl Capadocia.

Nasabat sa kanila ang 20 malalaking sachet at dalawang maliit na sachet ng shabu.

Nakuhanan din ng P1,000 marked money at .357 magnum revolver ang mga suspek.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...