Carmen, Davao Del Norte niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang bayan ng Carmen sa Davao Del Norte.

Naitala ang lindol sa 4 kilometers South east ng Carmen alas 2:16 ng hapon ng Biyernes, Sept. 28.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol at may lalim itong 4 kilometers.

Hindi naman nakapagtala ng intensities bunsod ng nasabing pagyanig.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala sa ari-arian at aftershocks.

Read more...