NBI pinagsusumite na ng report kaugnay sa “Red October” ouster plot

Binigyan lang ng hanggang Lunes, October 1 ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) para isumite ang initial findings nito kaugnay sa “Red October” ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, simula nang matanggap ng Malakanyang ang impormasyon tungkol sa planong pagpapatalsik sa pangulo ay agad nagkasa ng imbestigasyon ang NBI.

Sinabi ni Guevarra na sineseryoso ng pamahalaan ang isyu at hindi ito binabalewala lamang.

Kung mapatutunayan, sinabi ni Guevarra na pananagutin sa batas ang mga nasa likod nito.

Read more...