Deadline para sa registration hindi na palalawigin pa ng Comelec

Hindi na palalawigin pa ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter registration period na nakatakdang magtapos bukas, Sept. 29.

Ang registration ay para sa nakatakdang National and Local Elections sa May 13, 2019.

Kasabay nito, umapela ang COMELEC sa mga magpaparehistro pa lamang bukas na magbaon ng mahabang pasensya.

Tiyak kasing hahaba ang pila sa mga tanggapan ng COMELEC sa huling araw ng registration.

Mayroon pa rin namang itatalagang special lanes para sa mga Senior Citizen, PWDs at mga untis.

Alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon bukas ang COMELEC offices bukas.

Read more...