Ito ang paglilinaw ni Atty. Aileen Lizada, board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, hinggil sa “new fare structure” para sa mga taxi.
Ang bagong fare structure ay may tatlong components: una ay ang P40.00 ang flagdown rate; pangalawa ay ang karagdagang P13.50 kada kilometrong biyahe at pangatlo, ang P2.00 na per minute charge.
Kung may taxi app at naka-calibrate na ang unit, sinabi ni Lizada na “entitled” na ng driver para sa bagong fare structure.
Ang taxi app, ani Lizada, ay kailangan para makapag-book ang mga pasahero gamit ang kanilang mobile units o cellphones.
Layon nito na mabawasan ang mga “choosy” na taxi drivers o yung mga namimili ng mga pasahero, lalo na kapag malayo ang destinasyin ng mga ito.