2 hinihinalang drug pusher patay sa buy-bust sa Batangas

Police banner

Dalawang suspek sa ilegal na droga ang nasawi sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Batangas.

Ayon kay Batangas Police Director Sr. Supt. Edwin Quilates, sa Barangay Banaba sa bayan ng Padre Garcia, nasawi ang suspek na gumagamit ng mga alyas na “Lock” at “Steve”.

Binentahan ng shabu ng naturang suspek ang pulis na nagpanggap na buyer.

Pero nang malamang siya ay aarestuhin na ay binunot nito ang .357 caliber niyang baril.

Doon na nagpaputok ang mga pulis na kaniyang ikinasawi.

Sa bayan naman ng Nasugbu, nasawi din ang suspek na si Joel Galicha matapos manlaban sa mga otoridad.

Si Galicha ay nasa listahan ng mga drug pushers sa nasabing bayan.

Read more...