2 hinihinalang tulak ng ilegal na droga arestado sa Cebu City

CDN Photo

Arestado ang dalawang hinihinalang drug pusher ang nadakip sa isinagawang anti-drug police operation sa Cebu City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Ronnie Peñalosa, 43 anyos at Arnold Abadilla, 51 anyos kapwa residente ng Barangay Calamba.

Ayon kay Chief Insp. Kenneth Paul Albotra, precinct commander, target ng operasyon si Peñalosa.

Nakuha sa dalawang suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,750.

Inamin naman ni Peñalosa na sangkot siya sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Read more...