3 sugatan sa pagsabog ng LPG sa Iloilo City

Nasugatan ang tatlong katao sa pagsingaw at pagsabog ng LPG sa isang resturant sa Iloilo City kaninang (Biyernes, Sept. 28) umaga.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Janine Saneo, trabahador ng restaurant at dalawang iba pa na sina Blessy Salgado at Nestor Peñol Jr.

Nabatid na sina Salgado at Peñol ay napadaan lang sa lugar nang maganap ang pagsabog.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Proteciton, naiwanan na nakabukas ang LPG tank ng restaurant sa magdamag.

Dahil dito, kumalat na ang fumes ng LPG at nang buksan na ang kalan para simulan ang pagluluto sa kainan ay bigla itong sumabog.

Sa pagtaya ng BFP aabot sa P100,000 ang halaga ng mga napinsalang ari-arian dahil sa pagsabog.

Read more...