Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, hiniling na ng ahensya sa National Bureau of Investigation o NBI at PDEA internal affairs na imbestigahan at isailalim sa lifestyle check si dating PDEA Deputy Director General Ismael Fajardo.
Sinibak ni Pangulong Duterte si Fajardo bunsod ng nawawalang P6.8 billion na shabu na sinasabing laman ng nadiskubreng magnetic lifters.
Sinabi ni Aquino na hinihintay na lamang ng PDEA ang committee report mula sa Senado at Kamara, na kanilang gagawing basehan para sa pagsasampa ng kaso laban sa sangkot sa pagkawala ng kontrabado.
Kinumpirma naman ni Aquino na may incoming o bagong PDEA Deputy Director General kapalit ni Fajardo.
Siya ay ang kanyang mistah at dating taga-militart na si Col. Rick Santiago.