Halos dalawang libong katao ang nawalan ng tirahan sa sunog na naganap sa Barangay Hipodromo sa Cebu City, Huwebes ng hapon.
Ayon kay Leah Japson, pinuno ng Department of Social Welfare Services, sa kanilang datos, nasa 162 mga bahay ang natupok.
Aabot sa 277 na pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Nagpamahagi na ng packed meals ang social welfare office sa mga apektadong pamilya.
Ayon kay SFO1 Maurice Oporto, ang sunog ay nagmula sa bahay nina Ramie Inopiquez at Allan Betache na mabilis kumalat sa mga katabing tahanan.
Una nang sinabi ng fire department na kasama sa nasunog ang ancestral home ni self-confessed drug lord Kerwin Espinosa.
Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.
READ NEXT
Pagpapalipad ng US bomber plane sa East at South China Sea tinawag na “provocative” ng Beijing
MOST READ
LATEST STORIES