Pagpapalipad ng US bomber plane sa East at South China Sea tinawag na “provocative” ng Beijing

Tulad ng inaasahan ikinagalit ng China ang ginawang pagpapalipad ng US military ng kanilang bomber planes sa East at South China Sea.

Kinondena ng Beijing ang naturang hakbang at tinawag na “provocative” ang pagpapalipad ng US B-52 bombers.

Sinabi ni Chinese defense ministry spokesman Ren Guoqiang na patuloy ang gagawing hakbang ng China para matugunan ang usapin.

Una nang sinabi ng Pentagon na ang pagpapalipad ng bomber planes ay bahagi ng kanilang regular na operasyon.

Naninindigan din ang US military na magpapatuloy ang ganitong hakbangin hangga’t wala silang nilalabag sa international law.

Read more...