Matapos ang 45-taon, HBO iiwan na ang boxing business

Matapos ang 45 taon na pagsasagawa ng live coverages sa boxing, inanunsyo ng HBO na iiwan na nila ang boxing business.

Ayon sa pahayag ng HBO, magsasagawa sila ng reprogramming at kabilang sa aalisin ay ang live boxing coverage.

Sa 45 taon sa negosyo, kilala ang HBO na pioneer sa pay-per-view coverage sa mga boxing fight.

Ang pinakahuling laban na nai-ere sa HBO ay ang rematch sa pagitan nina Canelo Alvarez at Gennady Golovkin para sa middleweight title.

Ayon sa HBO ang laban sa October 27 sa pagitan nina Daniel Jacobs at Sergiy Derevyanchenko ang huling boxing coverage na i-eere sa HBO.

Para sa susunod na taon, iiwan na nila ang live boxing programming at sesentro sa “storytelling”, documentaries, reality programming, sports journalism at event specials.

Read more...