Pangulong Duterte pabirong sinabi na kagagawan ng drug addicts ang krisis sa bigas

May teorya si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa nararanasang kakulangan sa bigas ng bansa.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga career executives officers sa Malacañang pabirong sinabi ng pangulo na kagagawan ng mga drug addicts ang rice shortage.

Anya, dahil sa pagdami ng mga sumumuko na drug addicts at ngayon ay nasa rehabilitation centers ay nagreresulta ito sa krisis sa bigas.

“Ngayon na marami ng na-rehab kaya tayo nagkaroon ng rice crisis,” ani Duterte.

Ayon sa pangulo, kaya madalas na payat ang mga drug addicts ay dahil sa kanilang pagkalulong sa droga.

Ngunit ngayon, ang mga sumasailalim sa rehab ay kumakain na.

“Kinakain niya ang shabu. Alam mo bakit payat ‘yan sila? Hindi ‘yan sila kumakain. And they keep on grinding their teeth,” dagdag ng pangulo.

Umani naman ng tawanan ang naging pahayag ng pangulo.

Kamakailan ay iginiit ng pangulo na walang problema sa bigas ang Pilipinas at ang isyu anya ay pinupulitika lamang.

Read more...