Sa panayam ng reporters kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, sinabi nito na inaasahan ito ng ahensya matapos dagdagan ang suplay ng NFA rice sa merkado.
Sa ngayon anya ay mayroon nang 20 percent share ang NFA rice sa merkado mula sa halos 13 percent noong Agosto.
May posiblidad pa anya na taasan pa ang market participation ng NFA rice sakaling hindi pa bumaba ang presyo.
Ani Estoperez, darating na sa Nobyembre ang unang batch ng 750,000 metric tons (MT) ng bigas na iaangkat ng Pilipinas.
Dahil dito, mula sa 2.3 million bags ng NFA Rice sa mga warehouse ay papalo ito sa 6 million bags kapag dumating na ang mga inangkat na bigas.