All-Pinay group 4th Impact, pasok sa final 11 ng X-Factor UK

4th impact
X Factor UK photo

Muling pinahanga ng all-Filipino girl group at magkakapatid na miyembro ng 4th Impact ang mga judges at manonood sa the X Factor U.K sa kanilang first live performance.

Muling magpapatuloy ang magkakapatid at full of talents na sina Almira, Celina, Mylene at Irene Cercado kung saan nakapasok at muling nakalusot upang mapabilang sila sa natitirang labing-isang kalahok sa nasabing programa.

Sa katatapos lamang na elimination round ay dalawang finalists ang natanggal.

Nagustuhan ng kanilang mga fans at mga judges ang performance ng mga pinay sa paghahataw nila sa hit song na “Problem” ni Ariana Grande.

Napag-alaman na ilang araw lamang nag-rehearsed ang pambato ng bansa sa Ariana song bago ang live performance na nangyari dahil sa pagpapalit nila ng awitin.

Ang komento naman ng judge na si Simon Cowell ang nagpalakas sa loob at ikinatuwa ng nasabing grupo dahil sa pagbibigay ng magandang review nito sa kanila na walang nasabi kungdi ang paghanga dahil sa galing ng grupo sa paghataw sa kanilang ginawang performance.

Read more...