Tatlong sundalo sugatan sa engkwentro sa Abu Sayyaf sa Sulu

patikul-map
Inquirer file photo

Patuloy na ginagalugad ng puwersa ng pamahalan ang Barangay Liang Patikul Sulu matapos ang nangyaring bakbakan sa pagitan ng ng mga tauhan ng militar at bandidong Abu Sayyaf bago mag-alas dos ng hapon kanina.

Ayon kay Brig. Gen. Alan Arrojado, Commander ng Joint Task Group Sulu, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Alpha Company ng 35th infantry Battalion ng Philippine Army sa nabanggit na lugar nang maka-engkuwentro ang may dalawampung bandido.

Sinabi ni Arrojado na ang mga bandido ay pinamumunuan ni Abu Sayyaf sub-leader Ninok Saparri.

Agad na nagpadala ng reinforcement si Arrojado at tumagal lang ng ilang minuto ang palitan ng mga putok.

Tatlong sundalo ang nagtamo ng sharpnel wounds mula sa mga pinaputok na M203 grenade ng mga bandido samantalang wala pang kumpirmasyon kung may nasugatan sa panig ng mga kalaban bagamat may mga bakas ng dugo sa encounter site.

Sa kasalukuyan ay naglatag na rin ng checkpoint ang mga tauhan ng pulisya sa Patikul Sulu habang tinutugis naman ng military ang mga nakatakas na ASG members.

 

Read more...