Lalaki patay sa pamamaril sa Maynila

Patay sa pamamaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang isang lalaki sa Gate 12, Area B ng Parola Compound, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Paulo Bumanlag, 45 anyos at residente din sa lugar.

Ayon sa Manila Police District Moriones Station, pasado alas-11 kagabi nang pagbabarilin ang biktima.

Walang nakakilala sa tatlong gunmen na nanambang kay Bumanlag dahil nakasuot umano ang mga ito ng face mask at sombrero.

Isinugod pa sa Gat Andres Memorial Medical Center ang biktima ngunit hindi na umabot pa nang buhay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen.

Read more...