3 drug pusher arestado sa San Mateo, Rizal

Timbog ang tatlong tulak ng droga sa isinagawang operasyon ng pulisya sa sa Gitnang Bayan II, San Mateo Rizal.

Dalawa sa mga suspek ay may edad na 22 anyos habang ang isa ay 30 anyos.

Ayon kay San Mateo Police Chief Supt. Vic Amante, ilang buwang sumailalim sa kanilang surveillance ang tatlo na sinasabing supplier ng droga ng ilang mga kabataan at residente ng bayan.

Dumadayo lamang anya ang mga suspek sa San Mateo na residente pa ng Quezon City.

Nakabili ang pulisya ng P1,000 halaga ng shabu mula sa mga suspek.

Nakuha sa mga ito ang nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P130,000.

Mahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...