Pagtaas ng presyo ng bilihin nais ng nakararaming Pinoy na tugunan ng pamahalaan – Pulse Asia Survey

Inquirer file photo

Nais ng nakararaming mga Pinoy na tugunan ng pamahalaan ang usapin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin.

Ito ang lumitaw sa September 2018 National Concerns Survey ng Pulse Asia.

Lumitaw sa survey na ginawa mula Sept. 1 hanggang 7 na 63 percent ng mga Filipino ang nagsabi na nais nilang tutukan ng gobyerno ang pagkontrol sa inflation.

50 percent ang nagsabi na ang pagtaas ng sweldo ng mga manggagawa ang nais nilang tugunan ng pamahalaan; 32 percent ang nagsabing ang pagsugpo sa kahirapan; 30 percent ang nagsabing ang paglikha ng mas maraming trabaho at 26 percent ang nagsabing ang paglaban sa korapsyon.

May mga naglagay din ng paglaban sa kriminalidad, kapayapaan sa bansa, paghinto sa pag-abuso sa kalikasan, at pagbawas sa binabayarang buwis bilang most urgent national concerns.

Ang survey ay ginawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,800 na respondents sa buong bansa.

Read more...