Sen. Trillanes sa balitang ipaaresto siya ngayong araw: Hintayin natin

Kuha ni Justinne Punsalang

Hintayin natin.

Ito ang naging maikling pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV nang saglit itong lumabas mula sa kanyang opisina sa loob ng Senado.

Suot ang isang bughaw na polo ay makikita sa mukha ng senador ang pagiging kalmado kahit na posible siyang maaresto anumang oras ngayon araw dahil sa kasong kudeta.

Nagawa pang magbiro ng senador sa mga kawani ng media at nagpaunlak pa ito ng selfie.

Ngunit hindi naman na humarap ang senador sa mga kamera para sa press conference.

Ayon sa senador, hintayin na lamang ang magiging takbo ng araw na ito kung maglalabas na ba ang Makati RTC Branch 148 ng warrant of arrest laban sa kanya.

Matapos ang saglit na paglabas ay agad na bumalik ang senador sa loob ng kanyang opisina.

Read more...