Gr. 11 student ng FEU patay matapos tumalon mula sa 14th floor ng tinutuluyang condo

Patay ang 17 anyos na estudyante ng Far Eastern University (FEU) makaraang tumalon mula sa ika-14 na palapag ng tinutuluyang condominium sa Sampaloc, Maynila.

Ayon sa Manila Police District, natagpuang wala nang buhay ang katawan ng Grade 11 na biktima sa harapan ng gusali alas 5:51 ng hapon kahapon (Sept. 26).

Batay sa paunang imbestigasyon, may mga bumisita pa sa lalaking estudyante bago ang insidente.

Sa salaysay ng isa sa mga kaibigan, nagsabi umano ito na sya ay mayroong problema pero hindi na idinetalye pa ang impormasyon tungkol dito.

Umalis ang mga kaibigan ng lalaki sa kaniyang unit alas 5:46 ng hapon at ilang minuto lang ang nakalipas ay nakita na itong wala nang buhay sa ibaba ng gusali.

Dinala pa sa Mary Chiles Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival.

Read more...