US Pres. Trump sinabing hindi na sila magkaibigan ni Chinese Pres. Xi

Inamin ni US President Donald Trump na natapos na ang pagkakaibigan nila ni Chinese President Xi Jinping.

Sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa, nagbitiw pa ng salita si Trump nais ng China na makaranas siya ng political setback bilang ganti sa mahigpit niyang panuntunan sa pakikipagkalakan sa Beijing.

Magugunitang nang mahalal sya sa pwesto, ilang beses ding pinuri ni Trump si Xi at binanggit ang kanilang pagkakaibigan.

Pero ngayon, iba na ang tono ng presidente ng Estados Unidos.

Sa pinakahuling pahayag ni Trump, sinabi nitong maaring hindi na nga sila magkaibigan ni Xi pero sa tingin niya ay inirerespeto pa rin naman siya nito.

Read more...