DOJ itinangging pinag-iinitan si Senador Trillanes

Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi pinag-iinitan ng pamahalaan si Senador Antonio Trillanes kaya binawi ang amnestiyang ibinigay sa kanya at ipinaaresto.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra kailangan lamang panagutan ng senador ang ginawa nitong pangunguna sa pagrerebelde sa pamahalaan noon.

Ani Guevarra, posibleng malagay sa kaparehong posisyon ang mga dating sundalo na kasama ni Trillanes na binigyan ng amnestiya.

Paliwanag ng opisyal, ito ay mangyayari lamang kung mababatid na hindi sumunod o kulang sa ipinasang requirements ang mga ito.

Read more...