Posibleng pag-aresto kay Sen. Trillanes magiging maayos ayon sa Police Security and Protection Group

Sakaling ngayong araw o bukas huhulihin si Senador Antonio Trillanes IV ay tiniyak ng Police Security and Protection Group na magiging maayos at mapayapa ang proseso nito.

Ayon kay Inspector Gregorio Marino hepe ng PSPG sa loob ng Senate grounds, naka-standby ang kanilang mga tauhan upang panatilihin ang kaayusan sa pagdating ng Philippine National Police (PNP) o Armed Forces of the Philippines (AFP) para arestuhin ang senador.

Ani Marino, wala pang inilalabas ng impormasyon ang Office of the Sergeant at Arms tungkol sa kung ano ang magiging takbo ng mga pangyayari ngayong araw.

Pagtitiyak nito, kapag nakatanggap sila ng utos ay agad silang kikilos upang bantayan si Senador Trillanes.

Paliwanag ni Marino, bahagi ng kanilang trabaho ang protektahan ang senador sa posibilidad na dumugin ito ng mga tao.

Layunin aniya nila na tiyaking makukuha ng mga arresting officers ang senador nang maayos at ligtas.

Huwebes ng umaga ay nanatiling maayos at payapa ang sitwasyon sa loob at labas ng Senate grounds.

Read more...